Kabi-kabilang protesta ang sumiklab sa Australia kasabay ng pagbisita ni Israeli President Isaac Herzog sa bansa upang makiramay sa mga naulila at biktima ng Bondi Beach attack.
Mariing tinututulan ng mga nagpoprotesta ang pagtanggap ng pamahalaan ng Australia sa Israeli leader at nanawagan na arestuhin ito dahil sa mga krimen na nagawa laban sa Palestinian community.






















