
May impormasyon ngayon ang Department of Interior and Local Government o DILG patungkol sa ipinapagawang bahay dito sa Pilipinas ng puganteng si Zaldy Co.
Pinaghihinalaang pagtataguan ng pera ang naudlot na ipinapagawang bahay ni dating Ako Bicol Partylist Representative at ngayo'y itinuturing nang pugante na si Zaldy Co sa Forbes Park, Makati City.

Tinuligsa ni House Infrastructure Committee Co-Chairperson at Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon si Batangas 1st District Rep. Leandro Legarda Leviste dahil sa mga alegasyon nito laban sa kaniya.
Tungkol ito sa umano'y insertions sa 2025 national budget gayong hindi ito kongresista noong nakalipas na Kongreso.

- Mga narekober na gamit mula sa hotel room ng yumaong DPWH Undersecretary Catalina Cabral, sinimulan nang siyasatin ng Philippine National Police
- Ilang biyahe ng bus sa Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX, fully booked na
- Benta ng mga nagtitinda sa Divisoria ngayong holiday season, matumal; kompetisyon sa online, tumitindi

Pinayuhan ng isang shipping company ang mga pasahero ng barko na dadaan sa Manila Northport Terminal na maagang magpa-book.
Tiniyak naman ng kumpanya na maaari pa silang makapag-accommodate ng mga pasahero sa susunod na linggo.

Mas matindi at mabigat na trapiko ang haharapin ng mga motorista na dadaan sa North Luzon Expressway ngayong gabi.