
Fully prepared o handang handa ang Ninoy Aquino International Airport o NAIA sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong holiday season.
Batay sa datos ng Manila International Airport Authority o MIAA, umaabot na ng mahigit kumulang 170,000 ang bilang ng mga pasahero sa NAIA kada araw simula noong December 20.

Hindi kinukunsinte ng Kamara ang anumang karahasan ayon kay House Ethics Panel Chairperson at 4PS Partylist Rep. JC Abalos.
Kasunod ito ng umano’y ginawang pananakit ni Leyte 4th District Rep. Richard Gomez kay Philippine Fencing Association President Rene Gacuma sa Thailand sa gitna ng Southeast Asian Games.

Naniniwala si Department of the Interior and Local Government Sec. Jonvic Remulla na walang third party o iba pang taong involved sa mismong pagkamatay ni dating DPWH Usec. Catalina Cabral.
Aniya, ipinapakita ng mga ebidensya at maging sa post mortem examination sa katawan ni Cabral na sinadya nito ang mga nangyari.

Narecover ng National Bureau of Investigation sa hotel room sa Baguio City ng yumaong si dating DPWH Usec. Catalina Cabral ang kutsilyo at mga gamot.
Ayon kay Philippine National Police Acting Chief Police LTGen. Jose Melencio Nartatez Jr, sumasailalim na sa pagsisiyasat kung ano ang kaugnayan ng mga ito kay Cabral.

Umabot na sa P241-million ang naisauling pera sa gobyerno ng ilang personalidad kasama na ang mga dating opisyal ng Department of Public Works and Highways o DPWH mula sa iligal nilang kinita sa pamamagitan ng kickback sa flood control projects.