May impormasyon ngayon ang Department of Interior and Local Government o DILG patungkol sa ipinapagawang bahay dito sa Pilipinas ng puganteng si Zaldy Co.
Pinaghihinalaang pagtataguan ng pera ang naudlot na ipinapagawang bahay ni dating Ako Bicol Partylist Representative at ngayo'y itinuturing nang pugante na si Zaldy Co sa Forbes Park, Makati City.






















