Iniurong na ng pamilya ng pinaslang na si Police Senior Master Sergeant Diane Marie Mollenido ang kasong kriminal laban sa dating asawa nitong si Police Senior Master Sergeant John Mollenido.
Sa inilabas na pahayag ngayong Biyernes ng National Police Commission, bagaman binawi na ng mga kaanak ng biktima ang reklamo, hindi ito makaaapekto sa administrative probe ng ahensya.






















