
Isa ang Luneta sa mga pangunahing pasyalan ng pamilyang Pilipino tuwing holiday season, maging ng mga magkakaibigan na sabay-sabay na sasalubong sa pagpapalit ng taon.
Bilang paghahanda, naka-standby na ang mga security at medical personnel upang matiyak ang seguridad at kaligtasan ng mga mamamasyal ngayong araw.

Nananatiling epektibo ang one-strike policy ng pambansang pulisya laban sa mga pulis na walang habas na magpapaputok ng kanilang baril sa selebrasyon ng pagpapalit ng taon.
Ayon sa pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO), tiyak na pananagutin ang sinumang pulis na lalabag, kahit personal o service firearm pa ang gamitin sa indiscriminate firing.

Nagkakaubusan na ng paninda ng paputok at pailaw sa Bocaue, Bulacan ngayong bisperas ng pagpapalit ng taon.
Sa kabila nito, tuloy pa rin ang dagsa ng mga mamimili mula sa iba’t ibang probinsya para humabol sa pamimili.

Patuloy na tumataas ang bilang ng mga firecracker-related injuries sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center (JRRMMC) sa Maynila.
Tiniyak naman ng pamunuan ng ospital na handa sila sa posibleng pagdagsa pa ng mga biktima ng paputok habang papalapit ng pagpapalit ng taon.

Wala nang balak magpaputok o ilagay sa anumang peligro ang kanilang pamilya ang ilang naging biktima na ng sunog ngayong kaliwa’t kanan ang selebrasyon sa pagpapalit ng taon.
Samantala, nananatiling nakaantabay ang Bureau of Fire Protection para sa mga posibleng sunog na maaaring sumiklab ngayong araw.