Nananatiling epektibo ang one-strike policy ng pambansang pulisya laban sa mga pulis na walang habas na magpapaputok ng kanilang baril sa selebrasyon ng pagpapalit ng taon.
Ayon sa pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO), tiyak na pananagutin ang sinumang pulis na lalabag, kahit personal o service firearm pa ang gamitin sa indiscriminate firing.






















