
Nakahanda na ang Dr. Jose Fabella Memorial Hospital upang harapin ang posibleng pagdagsa ng mga pasyente lalo na sa peak hours sa pagsalubong ng pagpapalit ng taon.

Handa na ring tumanggap ng mga posibleng biktima ng paputok ang East Avenue Medical Center kaugnay ng pagpapalit ng taon.
Sa ngayon, anim pa lamang ang dinalang biktima ng paputok sa ospital, mas mababa kumpara sa bilang noong nakaraang taon ayon sa pamunuan ng EAMC.

Kahit walang inaasahang bulto ng mga motorista ngayong araw, may mga nakaduty pa rin na tauhan sa NLEX.
Kulang 1,000 personnel ang naka-deploy ngayong magpapalit ng taon.

Hindi aalis si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañang ngayong araw.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, nasa palasyo lamang si PBBM at walang biyahe na magaganap hanggang sa pagpapalit ng taon.

Para sa lahat ng bibiyahe at magbabakasyon papuntang U.S. at Europe, naglabas ng paalala ang Department of Health kaugnay ng banta ng “super flu” na nakikitang tumataas sa ilang bansa.
Gayunman, nilinaw ng DOH na sa kabila ng mga dati nang naitalang kaso, wala pa sa ngayon na namo-monitor na bagong kaso ng super flu sa Pilipinas.