Back

UNTV News and Rescue

3:41
Politics

Road crash injuries, tumaas ng 100%; heart attack at stroke, tumaas ng 10% – DOH

January 6, 2026 12:23 AM
PST

Tumaas ang mga kaso ng road crash injuries at ilang non-communicable diseases nitong holiday season.

Ayon sa Department of Health, bukod sa mga firework-related injuries, kabilang ang mga ito sa itinuturing na pangunahing public health concerns.

3:24
Politics

18,000 pulis, ide-deploy ng PNP sa taunang Traslacion sa Quiapo

January 6, 2026 12:22 AM
PST

Matapos ang seguridad na ipinatupad ng Philippine National Police sa buong bansa nitong holiday season, inilalatag ng National Capital Region Police Office ang plano para sa Traslacion sa January 9.

Kaugnay nito, nasa 1,000 pulis na naka-civilian clothes ang isasama sa deployment upang mapanatili ang kaayusan at seguridad.

3:06
Politics

Sen. Joel Villanueva at Ex-Sen. Bong Revilla, dumalo sa pagdinig sa DOJ

January 6, 2026 12:21 AM
PST

Dumalo ngayong hapon sa pagdinig kaugnay ng reklamo sa flood control projects sina Senator Joel Villanueva at dating Senador Ramon “Bong” Revilla.

Kapwa itinanggi ng dalawa ang anumang pagkakasangkot nila sa umano’y maanomalyang proyekto.

4:30
Politics

Chavit Singson, hinamon si PBBM sa debate sa budget at flood control projects

January 6, 2026 12:21 AM
PST

Nagpahayag ng hamon si dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makipag-debate kaugnay ng isyu ng budget at mga flood control projects.

Ayon kay Singson, may plano rin siyang hakbang upang mas maiparating sa pamahalaan ang hinaing ng taumbayan hinggil sa usapin ng korapsyon.

3:19
Politics

Gastusin ng mga kongresista, ipinananawagang isapubliko

January 6, 2026 12:20 AM
PST

Nanawagan si Batangas 1st District Rep. Leandro Legarda Leviste na isapubliko ang gastusin ng mga kongresista, partikular kung paano ginagamit ang Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE).

Samantala, sinabi ni House Senior Deputy Minority Leader at Caloocan City 2nd District Rep. Edgar Erice na hindi required ang mga kongresista na mag-sumite ng liquidation ng kanilang MOOE sa Commission on Audit (COA).