
Pinalawak pa ng Land Transportation Office ang mga lugar kung saan isinasagawa ang operasyon upang manghuli ng mga electric vehicle na E-trike.
Ngayong seryoso ang LTO sa pagpapatupad nito, inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority na tutulong sila sa LTO sa mga ginagawa nitong panghuhuli ng E-bike at E-trike sa kalsada.

Katawa-tawa para kay Senator Joel Villanueva ang mga inihaing reklamo laban sa kaniya kaugnay ng flood control anomaly.
Humarap si Sen. Villanueva sa preliminary investigation sa Department of Justice (DOJ) kahapon.

Naniniwala si Metropolitan Manila Development Authority Deputy Chairman Undersecretary Frisco San Juan Jr. na mas mabigat ang responsibilidad na gagampanan ni dating Philippine National Police Chief Nicolas Torre III bilang General Manager ng ahensya.

Naniniwala ang kampo ni retired Air Force General Romeo Poquiz na nalabag ang karapatan nito sa ginawang pag-aresto sa kaniya kahapon.
Bunsod nito, plano nilang magsampa ng reklamong administratibo at kriminal laban sa mga pulis na umaresto kay Poquiz.

Inihayag ni Department of Justice Spokesperson Atty. Polo Martinez na bukod sa reklamong paglabag sa anti-graft law, nahaharap na rin sa reklamong plunder si dating Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co sa DOJ.