
Sa patuloy na pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng Eastern Visayas, nananatiling nakaalerto at handa ang Department of Social Welfare and Development field office VIII sa posibleng epekto ng shear line sa rehiyon.
Mayroon nang kabuuang ₱142.2 milyong halaga ng relief resources ang nakaantabay at handang ipamahagi sa mga pamilyang maaapektuhan ng masamang panahon.

Isang mangingisda ang ligtas na nasagip ng Philippine Coast Guard matapos mamataang palutang-lutang sa karagatan sa pagitan ng Lakawon Island at Barangay Cadiz Viejo sa Cadiz City, Negros Occidental.

Nakaranas ng mga pagbaha ang ilang mga kalsada sa mga bayang sakop ng Camarines Sur dahil sa shear line.
Ilan sa mga motorista ang naantala ang byahe matapos umapaw ang tubig sa ilang kalsada sa Partido area.

Naglabas ng babala ang U.S. National Weather Service hinggil sa pambihirang tornado o buhawi na maaaring manalasa ngayong tornado season sa Estados Unidos.

Muling nabanggit ni United States President Donald Trump ang tungkol sa pag-angkin sa Greenland.
Nagdulot naman ito ng mahigpit na pagtutol ng Denmark at ng mga lider sa Greenland.