
Patuloy ang palitan ng pahayag sa pagitan nina Senators Imee Marcos at Panfilo Lacson kaugnay ng isyu sa budget, partikular sa umano’y allocables ng presidential sister.

Prayoridad ngayong taon ng Department of Public Works and Highways ang pag-aayos ng mga pangunahing kalsada at tulay sa buong bansa.
Ayon kay Public Works Secretary Vince Dizon, kabilang dito ang major rehabilitation ng Maharlika Highway, pati ang pagtapos sa mga incomplete at matagal nang napabayaang infrastructure projects.

Sa patuloy na pag-usad ng pagpapanagot sa mga sangkot sa flood control scandal, handa umano si Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon na tumestigo sa iba’t ibang kasong isinampa.
Kabilang dito ang kasong kinasasangkutan ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.
Kanina, muling dininig sa Sandiganbayan ang petisyon ng mga kapwa akusado ni Co na humihiling na makapagpiyansa at pansamantalang makalaya.

Kinilala ng Michelin Guide ang Pilipinas bilang isa sa most exciting foodie destinations sa 2026, kasama ng labing lima pang mga bansa sa buong mundo.

Hinimok ng tech giant na Meta ang gobyerno ng Australia na muling pag-aralan ang ipinatutupad na social media ban para sa mga user nitong wala pang labing anim na taong gulang.