Sa patuloy na pag-usad ng pagpapanagot sa mga sangkot sa flood control scandal, handa umano si Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon na tumestigo sa iba’t ibang kasong isinampa.
Kabilang dito ang kasong kinasasangkutan ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.
Kanina, muling dininig sa Sandiganbayan ang petisyon ng mga kapwa akusado ni Co na humihiling na makapagpiyansa at pansamantalang makalaya.





















