Prayoridad ngayong taon ng Department of Public Works and Highways ang pag-aayos ng mga pangunahing kalsada at tulay sa buong bansa.
Ayon kay Public Works Secretary Vince Dizon, kabilang dito ang major rehabilitation ng Maharlika Highway, pati ang pagtapos sa mga incomplete at matagal nang napabayaang infrastructure projects.






















