
Naniniwala si Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon na hindi pamumulitika ang pagkansela ng Department of Energy sa service contracts ng mga renewable energy companies ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste.
Hindi lang aniya ang mga kumpanyang iniuugnay kay Leviste ang terminated ng pamahalaan ang kontrata dahil sa pagpalyang makamit ang inaasahang power production.
Nakatakda na sa Lunes, January 19, ang susunod na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.
Ayon kay Blue Ribbon Chair Panfilo Lacson, plano nilang ungkatin ang ilang isyu kabilang na ang mga detalye ng tinaguriang ‘cabral files’.

Pansamantalang itinigil ng Quezon City Police District ang imbestigasyon sa pagkawala ng bride-to-be na si Sherra de Juan dahil wala pa anilang inihahaing pormal na reklamo ang biktima o ang kanyang pamilya.

Ginagawa na ng mga awtoridad ang lahat ng paraan para maibalik sa Pilipinas sina dating Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co at dating Palace Spokesperson Harry Roque. Ang dalawa ay parehong may kinakaharap na warrant-of-arrest.

Hinihikayat ni House Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mas pabilisin ang pag-aksyon sa pagpapa-uwi kay dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.