
Pansamantalang itinigil ng Quezon City Police District ang imbestigasyon sa pagkawala ng bride-to-be na si Sherra de Juan dahil wala pa anilang inihahaing pormal na reklamo ang biktima o ang kanyang pamilya.

Ginagawa na ng mga awtoridad ang lahat ng paraan para maibalik sa Pilipinas sina dating Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co at dating Palace Spokesperson Harry Roque. Ang dalawa ay parehong may kinakaharap na warrant-of-arrest.

Hinihikayat ni House Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mas pabilisin ang pag-aksyon sa pagpapa-uwi kay dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.

Hihilingin kaagad ng Department of Justice prosecution panel sa korte na mag-issue ng Hold Departure Order o HDO laban kina Charlie ‘Atong’ Ang at mga co-accused nito para matiyak na haharap sila sa paglilitis.

Matapos ang mahigit na apat na taon na paghahanap ng hustisya sa kaso ng pagkawala ng mga sabungero, naglabas na ng warrant of arrest ang korte para arestuhin ang negosyanteng si Atong Ang at 17 iba pang akusado sa naturang kaso.