
Hihilingin kaagad ng Department of Justice prosecution panel sa korte na mag-issue ng Hold Departure Order o HDO laban kina Charlie ‘Atong’ Ang at mga co-accused nito para matiyak na haharap sila sa paglilitis.

Matapos ang mahigit na apat na taon na paghahanap ng hustisya sa kaso ng pagkawala ng mga sabungero, naglabas na ng warrant of arrest ang korte para arestuhin ang negosyanteng si Atong Ang at 17 iba pang akusado sa naturang kaso.

Naniniwala si House Committee on Public Accounts at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon na handang aksyunan ng Kamara ang mga impeachment complaint na ihahain sa kapulungan.
Sa gitna ito ng isyu ng reklamong impeachment na plano umanong ihain laban sa pangulo at pangalawang pangulo.

Nananatili pa rin ang tiwala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Independent Commission for Infrastructure (ICI).
Ayon sa Malacañang, ipaubaya na lamang kay Pang. Marcos kung ano ang magiging kapalaran ng ICI na nag-iimbestiga sa flood control projects anomaly.

- Unang bagyo sa Pilipinas ngayong 2026, nakapasok na sa bansa; wind signal number 1, nakataas sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao dahil sa Bagyong Ada
- 41 barko ng China, na-monitor sa iba't ibang lugar sa WPS sa unang linggo ng Enero – PH Navy
- Investors sa UAE, interesadong mamuhunan sa data center industry ng Pilipinas