
Itinanggi ni Justice Secretary Fredderick Vida ang ulat na umano’y pinagbabawalan ang National Bureau of Investigation (NBI) na sumama sa paghuli o pagtugis kay Atong Ang.
Ayon kay Sec. Vida, maging sa pamunuan ng DOJ, walang kautusan na nagbabawal sa NBI na isakatuparan ang kanilang mandato.

Inatasan ni Department of the Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla ang mga operatibang magsasagawa ng operasyon laban sa negosyanteng si Atong Ang na magsuot ng body camera.
Ayon kay Remulla, mahalagang may suot na body cam ang lahat ng kasali sa operasyon upang maiwasan ang anumang iregularidad at matiyak ang transparency sa pagpapatupad ng batas.

Itinuturing pa ring malaking banta ng Department of the Interior and Local Government ang negosyanteng si Charlie 'Atong' Ang, sa kabila ng pagsuko ng ilang armas.
Ayon sa DILG, dahil sa lawak ng kanyang resources, hindi isinasantabi ang posibilidad na mayroon pa rin siyang ibang armas, lalo’t itinuturing siyang umano’y utak sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Iniulat ng Malacañang na dinala sa ospital si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos makaranas ng 'discomfort'.
Ayon sa Palasyo, walang dapat ipag-alala sa kalagayan ng kalusugan ng Pangulo.

- Bagong impeachment complaint dahil sa umano’y pandarambong sa pondo ng bayan, inihain vs PBBM
- Sen. Imee at Sen. Lacson, nagpasaringan kaugnay ng Minority report sa pagdinig sa flood control scam
- Umano’y maanomalyang transaksyon sa bank account ni VP Sara, nais ipasilip ni dating Sen. Trillanes