
Tukoy na ng pamahalaan ang pinagtataguan ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.
Ayon kay Secretary Jonvic Remulla ng Department of the Interior and Local Government, nasa isang gated community ito sa Lisbon, Portugal.

Nilinaw ni dating Philippine National Police chief Nicolas Torre III na wala siyang pinipirmahang retirement papers, taliwas sa mga ulat na nag-opt for optional retirement umano siya.
Ito ang binigyang-diin ni Torre matapos lumabas ang balita kaugnay ng kanyang pagreretiro.
Ayon naman sa Palasyo, nakausap nila ang dating heneral at nagkaroon lamang ng kaunting hindi pagkakaunawaan sa usapin ng kanyang retirement.

Muling iginiit ng Malacañang na walang sapat na basehan ang ikalawang impeachment complaint na sinubukang ihain laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa Palasyo, naninindigan ang Pangulo na wala siyang nagawang anumang impeachable offense.

Itinanggi ni Justice Secretary Fredderick Vida ang ulat na umano’y pinagbabawalan ang National Bureau of Investigation (NBI) na sumama sa paghuli o pagtugis kay Atong Ang.
Ayon kay Sec. Vida, maging sa pamunuan ng DOJ, walang kautusan na nagbabawal sa NBI na isakatuparan ang kanilang mandato.

Inatasan ni Department of the Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla ang mga operatibang magsasagawa ng operasyon laban sa negosyanteng si Atong Ang na magsuot ng body camera.
Ayon kay Remulla, mahalagang may suot na body cam ang lahat ng kasali sa operasyon upang maiwasan ang anumang iregularidad at matiyak ang transparency sa pagpapatupad ng batas.