
Tumanggi ang tanggapan ni House Secretary-General Atty. Cheloy Garafil na tanggapin ang 2 reklamong impeachment na tinangkang ihain laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Huwebes, January 22, 2026.
Ayon sa House Secretariat, wala sa bansa ang opisyal sa naturang petsa at nasa Taipei upang tumanggap ng pagkilala mula sa pamahalaan doon.

Walang special treatment ang mga posibleng makukulong na personalidad o opisyal ng gobyerno na sangkot sa flood control projects.
Babala ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), ang sinumang gagawa nito ay maaaring tuluyang maalis sa serbisyo.
Tiniyak naman ng Sandiganbayan na gagampanan nila ang kanilang tungkulin sa paghawak ng mga kaso hinggil sa infrastructure projects.

Nakahanda ang Armed Forces of the Philippines na tumulong sa re-inspection ng mga maanomalyang flood control projects.
Ito ay kasunod ng natuklasan ng Department of Public Works and Highways na mali ang grid coordinates ng mga proyekto na naibigay sa Pangulo.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nagkaroon siya ng diverticulitis dahil sa sobrang stress.
Gayunman, ipinabatid ng Pangulo sa kanyang video message na maayos na ang kanyang kalagayan.

Walang nakikitang problema ang Malacañang sakaling nais ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co. na makipagdayalogo sa Office of the Ombudsman.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, bukas sila sa ideyang ito upang malaman ang buong katotohanan.