
Naglunsad ang South Korea ng women-only night bus services sa mga pangunahing lungsod upang tiyakin ang kaligtasan ng kababaihan sa gabi.
Nilagyan ang mga bus ng CCTV cameras at emergency panic buttons upang agad makatawag ng tulong ang mga pasahero sakaling makaramdam ng banta.

Aabot sa 180 milyong residente sa U.S. ang haharap sa severe winter weather ngayong linggo.
Ayon sa US Weather Services, nakataas ang winter storm watches mula New Mexico hanggang sa Southeast USA.

Muling pinagana ng Japan ang Reactor 6 ng Kashiwazaki-Kariwa Nuclear Power Plant, ang pinakamalaking nuclear power plant sa buong mundo, matapos itong ipasara kasunod ng Fukushima disaster noong 2011.

Binawi ni US President Donald Trump ang banta ng tariffs laban sa Europa at military threats sa Greenland sa kanyang pahayag sa Davos.
Giit ni Trump, ang US lamang ang may kapangyarihang ma-secure ang Greenland mula sa mga banta ng kaaway.

Tinanggal sa pwesto ang 3 opisyal ng Bureau of Immigration matapos makapag-record ng video ang Russian vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy habang nasa detention.
Kasabay nito, sunod-sunod namang inaresto ng BI ang mga dayuhang vlogger na inakusahan ng pagpapakalat ng takot, pang-iinsulto, at public disturbance sa bansa.