
Mapanganib at banta pa ring maituturing ang negosyanteng si Charlie ‘Atong’ Ang sa kabila ng pagsusuko nito ng kanyang mga armas. Ayon kay Interior and Local Government Sec. Jonvic Remulla, sa dami ng pera ni Ang, may kakayahan pa rin itong bumili ng mga bagong baril.

Sa mga susunod na araw, asahan na ang paglabas ng subpoena para sa plunder cases laban sa ilang kasalukuyan at dating senador, maging kay dating congressman Zaldy Co, ayon kay Prosecutor General Richard Fadullon. Ayon sa opisyal, kasama sa padadalhan ng subpoena si dating Department of Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan, dahil kasama siya sa kasong plunder na isinampa laban kay Senator Jinggoy Estrada.

Panoorin ang latest update mula sa Philippine Weather Bureau PAGASA ngayong araw ng Biyernes, January 23, 2026.

Kinumpirma ni Senador JV Ejercito na natanggap niya ang kopya ng ethics complaint laban sa kaniya na inihain ni Attorney Marvin Aceron. Sa social media post ng abugado, sinabi ni Aceron na inihain niya ang reklamo sa Senate Committee on Ethics and Privileges.

Plano ni Sen. Panfilo Lacson na imbitahan si dating House Speaker at Leyte First District Representative Martin Romualdez sa susunod na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.