Sa mga susunod na araw, asahan na ang paglabas ng subpoena para sa plunder cases laban sa ilang kasalukuyan at dating senador, maging kay dating congressman Zaldy Co, ayon kay Prosecutor General Richard Fadullon. Ayon sa opisyal, kasama sa padadalhan ng subpoena si dating Department of Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan, dahil kasama siya sa kasong plunder na isinampa laban kay Senator Jinggoy Estrada.






















