Sinagot ng Manila Electric Company (Meralco) ang umano'y pagtutol nila sa paggamit ng mga consumer ng solar panel.
Ito ay matapos tuligsain ng netizens ang panawagan ng distribution utility para sa mas mahigpit na regulasyon sa installation ng rooftop solar panel.






















