
Naghahanda ang Canada ng mga planong pangmilitar kung sakaling sakupin ito ng Estados Unidos. Ito ay sa gitna ng lumalalang tensyon sa dalawang bansa.

Walang special treatment na ibibigay sa mga inaasahang makukulong pa dahil sa anomalya sa flood control projects ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP). Ayon kay BJMP Spokesperson Jail Superintendent Jayrex Joseph Bustinera, mahigpit ang babala ng kanilang hepe hinggil dito at maaaring maalis sa serbisyo ang gagawa nito.

Inalis sa puwesto ang tatlong opisyal ng Bureau of Immigration kaugnay ng pagre-record ng mga video ng Russian vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy habang nasa detention facility.

Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority na target nilang malinis ang nasa 25 pangunahing estero sa Metro Manila bago sumapit ang tag-ulan. Ayon kay MMDA General Manager Usec. Nicolas Torre III, ngayong taon ay uunahin nilang linisin ang mga pangunahing daluyan ng tubig sa Metro Manila.

Itinanggi ni dating Philippine National Police Chief Nicolas Torre III na nagretiro na siya sa police service kasunod ng kanyang appointment bilang General Manager ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Ayon kay Torre, wala pa siyang ipinasa at pinirmahang papeles patungkol dito.