Walang special treatment na ibibigay sa mga inaasahang makukulong pa dahil sa anomalya sa flood control projects ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP). Ayon kay BJMP Spokesperson Jail Superintendent Jayrex Joseph Bustinera, mahigpit ang babala ng kanilang hepe hinggil dito at maaaring maalis sa serbisyo ang gagawa nito.






















