Back

UNTV News and Rescue

1:02
Weather & Environment

Matinding heatwave, naranasan sa Australia kasabay ng pagdiriwang ng National Day

January 27, 2026 11:59 PM
PST

Naglabas ng heatwave warnings ang mga awtoridad sa Australia habang milyon-milyong mamamayan ang nagdiriwang ng Australia Day.

Ayon sa Bureau of Meteorology, umabot sa mahigit 40 degrees Celsius ang temperatura sa ilang bahagi ng bansa, kung saan naitala sa Hopetoun sa Victoria ang pinakamainit na temperatura na umabot sa 48.9 degrees Celsius.

2:38
Politics

Trump, tutol sa Chinese at Canadian trade deals

January 27, 2026 11:59 PM
PST

Patuloy na umiigting ang tensyon sa pagitan ng Canada at United States matapos ang panibagong banta ni US President Trump na magpataw ng 100% tariff sa mga produktong galing Canada sakaling magkaroon ito ng kasunduan sa China.

Nilinaw naman ni Canadian Prime Minister Mark Carney na hindi papasok ang kanyang bansa sa isang free trade deal sa China.

3:23
Politics

White House, sinisi ang Democrats sa kaguluhan sa Minnesota

January 27, 2026 11:59 PM
PST

Inaakusahan ng White House ang Democratic leaders sa Minnesota na nasa likod umano ng lumalalang gulo sa estado.

Ito ay kasunod ng pamamaril ng isang ICE agent na muling nagpasiklab ng malawakang protesta laban sa immigration crackdown ng Trump administration.

3:03
Politics

Panghaharass ng China, hindi mabubura ng pagliligtas sa mga tripulante ng M/V Devon Bay

January 27, 2026 11:58 PM
PST

Ligtas nang nakauwi kahapon ng umaga ang 15 Pilipinong tripulante ng lumubog na M/V Devon Bay.

Subalit giit ng Philippine Navy, hindi sapat ang isang rescue operation para mabura ang daan-daang insidente ng agresibo at ilegal na presensya ng mga barko ng China sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

3:39
Politics

Mga unregistered at pekeng gamot sa merkado, isiniwalat sa pagdinig ng Senado

January 27, 2026 11:58 PM
PST

Isiniwalat sa pagdinig ng Senado ang mga unregistered at pekeng gamot na mabibili sa iba't ibang merkado.

Tiniyak naman ng Food and Drug Administration na nagtatrabaho sila nang sobra at higit sa limitasyon laban sa mga pekeng produkto.