Naglabas ng heatwave warnings ang mga awtoridad sa Australia habang milyon-milyong mamamayan ang nagdiriwang ng Australia Day.
Ayon sa Bureau of Meteorology, umabot sa mahigit 40 degrees Celsius ang temperatura sa ilang bahagi ng bansa, kung saan naitala sa Hopetoun sa Victoria ang pinakamainit na temperatura na umabot sa 48.9 degrees Celsius.























