
Hindi ulit nakadalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang event na idinaos sa Malacañang ngayong umaga ng January 28.
Ayon sa palasyo, patuloy na nagpapagaling ang pangulo mula sa sakit na diverticulitis.

- Schedule ng pagdinig para sa confirmation of charges ni FPRRD, inilabas na ng ICC
- House Justice panel, target simulan sa susunod na linggo ang pagdinig sa impeachment vs. PBBM
- Ex-Sen. Bong Revilla, Sen. Jinggoy Estrada, at ex- Sec. Manuel Bonoan, ipinasubpoena na ng DOJ

Inilabas na ng International Criminal Court (ICC) ang magiging schedule ng pagdinig sa confirmation of charges ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kasong crime against humanity. Sa siyam na pahinang desisyon ng ICC, isasagawa ito ng February 23, February 24, February 26, at February 27.

Nasa stable condition na ang 15 mga Pilipinong tripulante na iniligtas ng Chinese Coast Guard mula sa lumubog na M/V Devon Bay sa Scarborough Shoal. Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Usec. Felicitas Bay, sasailalim na lang ang mga ito sa check-ups.

Posibleng itigil ng plenaryo ng Senado ang sweldo ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa dahil sa patuloy niyang pagliban sa mga sesyon. Ito ang isa sa mga suhestyong pinag-uusapan matapos ang ilang buwang absence ng senador.