Inilabas na ng International Criminal Court (ICC) ang magiging schedule ng pagdinig sa confirmation of charges ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kasong crime against humanity. Sa siyam na pahinang desisyon ng ICC, isasagawa ito ng February 23, February 24, February 26, at February 27.






















