
Nanawagan ang grupong 'Filipino Do not Yield Movement’ na ideklarang persona non grata sa bansa ang Chinese ambassador sa Pilipinas.
Ito ay dahil sa patuloy na pang-ha-harass at pambubully sa mga Pilipino sa Exclusive Economic Zone ng bansa sa West Philippine Sea.

Tinanggal ang dalawang Senador sa pagiging miyembro ng Senate Committee and Priveleges dahil sa umano’y conflict of interest.

Inamin ni Sen. Ping Lacson na wala siyang moral authority upang magrekomenda ng kaparusahan vs. Sen. Bato dela Rosa dahil sa pag-absent sa Senado.

Inaasahang muling haharap sa Sandiganbayan ang ilan sa mga akusadong DPWH official na iniuugnay sa umano'y ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.
Kabilang dito ang ilan sa mga tinaguriang BGC boys.

Naniniwala ang political party na Partido Demokratiko Pilipino o PDP na hindi uusad ang impeachment complaints laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa tagapagsalita ng grupo, duda sila sa mga naghain ng reklamo laban sa pangulo.