
Naghain ng not guilty plea sina dating DPWH Bulacan 1st District Engineering Office officials Brice Hernandez, Jaypee Mendoza, at Christina Pineda sa Sandiganbayan kaugnay ng kasong graft.

Hinihiling ng mga Internally Displaced Persons (IDPs) sa Malilipot, Albay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ibigay nang libre at walang bayad ang relocation site ng pamahalaan.
Hiling din nila na pagkalooban sila ng hanapbuhay sakaling matuloy ang pagpapalikas.

Kontrolado na umano ang Nipah virus outbreak sa India.
Nagpapatupad naman ng mahigpit na health screening at airport surveillance ang ilang bansa sa Asya.
Bagama’t wala pang kumpirmadong kaso sa Pilipinas, naka-alerto ang DOH sa pagbabantay upang mapigilan ang pagpasok ng virus sa bansa.

Hinimok ngayong araw ng Department of Education ang mga local Chief Executives na pabilisin ang pagpapatayo ng mga silid-aralan.
Ito ay bahagi ng mas malawak na pagtugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pabilisin ang paghahatid ng basic education facilities sa iba't ibang lugar sa bansa.

Pumanaw na sa edad na 52 si dating Commission on Elections Spokesperson James Jimenez.
Ang malungkot na balita ay kinumpirma mismo ng Commission on Elections.