
- PNP Police General Melencio Nartatez Jr., ganap nang 4-star general; pormal na itinalaga bilang ika-32 pinuno ng Pambansang Pulisya
- Paglabas ng medical bulletin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., hindi na kailangan ayon sa Malacañang
- Pilipinas, wala pang naitalang bagong kaso ng Nipah virus; DOH, naka-alerto sa posibleng pagpasok ng sakit

Hindi lang basta paalam ang salitang ‘Goodbye’. Galing ito sa God be with you, kaya may dalang pagmamalasakit at tiwala.
Alamin ang kwento sa likod ng salitang araw-araw nating ginagamit.

Nakararanas ng malalakas na ulan at hangin ang United Kingdom at ilang bahagi ng Ireland dahil sa Storm Chandra, na nagdulot ng malawakang pagbaha, pagsasara ng mga kalsada, at kanselasyon ng biyahe sa England, Scotland, Wales, at Northern Ireland.

Nagbabala si U.S. President Donald Trump na posibleng may masamang mangyari sakaling matalo ang Republican Party sa nalalapit na midterm elections.
Sa pagsisimula ng kanyang campaign rally, hinikayat ni Trump ang mga Amerikano na suportahan ang kanyang partido sa kabila ng kinahaharap na tensyon ng administrasyon dahil sa mga isyu ng immigration at pangamba ng mga botante sa ekonomiya ng Amerika.

Naitakda na ang unang pagpupulong ng House Committee on Justice kaugnay ng inihain na reklamo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Naipadala na rin sa mga miyembro ng komite ang notice of meeting.
Tiwala naman ang isa sa mga endorser na sapat ang anyo at nilalaman ng kanilang impeachment complaint laban sa Presidente.