Nagbabala si U.S. President Donald Trump na posibleng may masamang mangyari sakaling matalo ang Republican Party sa nalalapit na midterm elections.
Sa pagsisimula ng kanyang campaign rally, hinikayat ni Trump ang mga Amerikano na suportahan ang kanyang partido sa kabila ng kinahaharap na tensyon ng administrasyon dahil sa mga isyu ng immigration at pangamba ng mga botante sa ekonomiya ng Amerika.






















