
Maaaring makaranas ng paggalaw sa presyo ng bigas sa mga pamilihan sa mga susunod na araw o linggo.
Ayon kay Department of Agriculture Spokesperson Asec. Arnel de Mesa, ito ay kung magtutuloy-tuloy ang pagbaba ng presyo ng bigas sa international market na sinabayan pa ng pagdating ng imported rice sa Pilipinas.

Inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) kahapon, January 28, ang pagpapaliban sa pagdaraos ng Bangsamoro Parliamentary Elections sa March 30.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, hindi na nila kayang isagawa ang halalan sa itinakdang panahon.

Prayoridad umano sa marching order ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Philippine National Police ang pagpapababa ng krimen sa bansa.
Ito ang responsibilidad na kaakibat ng promotion ng bagong hepe ng Pambansang Pulisya.

Ilang grupo ang sumusuporta sa panawagang ideklara na persona non grata ang ilang opisyal ng Chinese Embassy sa bansa.
Ito’y matapos ang patuloy na palitan ng patutsada sa ilang opisyal ng pamahalaan ng Pilipinas.

Muling binatikos ng grupo ni Atty. Ferdinand Topacio ang Office of the Secretary General ng House of Representatives kaugnay ng hindi pagtanggap sa ikatlong impeachment complaint na kanilang inihain laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Atty. Topacio, malinaw umanong hinarang ng Kamara ang kanilang reklamo.