
Wala pang naitatala o nadidiskubreng bagong kaso ng Nipah virus sa Pilipinas sa kabila ng tumitinding pangamba ng publiko bunsod ng outbreak sa India.
Ngunit pagtitiyak ng Department of Health, handa ang Pilipinas sa naturang virus at iba pang nakahahawang sakit.

Nagbabala ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga Pilipinong nananatili ngayon sa bansang Bahrain dahil sa mga scammer na nambibiktima sa pamamagitan ng text messages at phone call.

Hinihimok ng Department of Education (DepEd) ang local chief executives na pabilisin ang pagpapatayo ng 25,000 classrooms, bilang bahagi ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na agad maihatid ang basic education facilities sa iba't ibang lugar sa bansa.

Nakakuha na ng ayuda mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Department of Migrant Workers ang pamilya ng mga tripulante mula sa lumubog na M/V Devon Bay sa bahagi ng West Philippine Sea sa Scarborough Shoal nitong nakaraang linggo.

Dumating sa Basilan kahapon, January 28, ang 19 technical wreck divers ng Philippine Coast Guard upang tumulong sa isinasagawang search and rescue operation para sa sampung nawawala sa paglubog ng MV Trisha Kerstin 3.