
Kinumpirma ni DILG Sec. Jonvic Remulla na gumagamit ng foreign passport si Zaldy Co kaya nakakalakbay siya sa Europa.
Ayon sa kalihim, sisikapin ng pamahalaan na ma-red flag at tuluyang makansela ang passport ni Co kapag nakuha na ang kopya nito upang hindi na siya makalabas ng Portugal.

Ibinunyag ni National Police Commission Commissioner Rafael Calinisan na dalawang beses umano siyang tinangkang aregluhin kaugnay ng imbestigasyon sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Pinabagal ng isyu sa flood control projects ang ekonomiya ng bansa sa Q4 2025.
Ayon kay Department of Economy, Planning, and Development Sec. Arsenio Balisacan, pangunahing dahilan ng pagbaba ng GDP ang nalantad na malawakang korupsyon sa mga proyekto ng pamahalaan.

Nilinaw ng Korte Suprema sa kanilang desisyon sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte na ang impeachment ay hindi lamang political kundi legal at constitutional proceedings.
Hindi pinagbigyan ng Korte Suprema ang mosyon ng House of Representatives na baliktarin ang pagdeklarang unconstitutional ang articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Kinikilala ng House of Representatives ang pinal na desisyon ng Korte Suprema na nagdedeklarang unconstitutional ang articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte na inihain noong 19th Congress, ayon kay House Speaker at Isabela 6th District Rep. Faustino “Bojie” Dy III.