
Nagpatupad ng mas mahigpit na health screening ang ilang pangunahing bansa sa Asya matapos makumpirma ang mga kaso ng Nipah virus sa bahagi ng East India.

Tinawag ni United States President Donald Trump na most successful sa kasaysayan ng America ang kaniyang unang taon sa ikalawang termino.
Ayon kay Donald Trump, napatigil n'ya ang walong mga giyera, naitala din aniya ang pinakamababang record ng mga kaso ng murder o pagpatay at mas secure aniya ang mga border.

Isinuko ng pamilya ng mga suspek sa mga awtoridad ang improvised rocket-propelled grenade o RPG na ginamit sa pananambang kay Shariff Aguak Mayor Akmad Ampatuan.

Inilalatag na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga guidelines para sa nationwide roll out ng road worthiness inspection lalo na sa mga pampublikong sasakyan sa bansa.

Itinuturing ng Department of Foreign Affairs (DFA) na pinakamabigat na aksyon ang deklarasyong persona non grata laban sa isang foreign diplomatic personnel.
Kasunod ito ng plano ng ilang senador na magsumite ng resolusyon para himukin ang Palasyo na ideklarang persona non grata ang ilang Chinese Embassy officials.