
Nilinaw ng Korte Suprema sa kanilang desisyon sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte na ang impeachment ay hindi lamang political kundi legal at constitutional proceedings.
Hindi pinagbigyan ng Korte Suprema ang mosyon ng House of Representatives na baliktarin ang pagdeklarang unconstitutional ang articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Kinikilala ng House of Representatives ang pinal na desisyon ng Korte Suprema na nagdedeklarang unconstitutional ang articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte na inihain noong 19th Congress, ayon kay House Speaker at Isabela 6th District Rep. Faustino “Bojie” Dy III.

Tiniyak ng House Committee on Justice ang patas na pagtalakay sa reklamong impeachment laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Kasalukuyang kinukumpleto ng House Committee on Justice ang mga ground rules o panuntunang ipatutupad sa isasagawang pagtalakay sa impeachment complaint laban sa pangulo.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang turnover ng ASEAN-BAC chairship ng Pilipinas para sa 2026.
Ayon sa Pangulo, tututok ang bansa sa pagpapalawak ng kalakalan at pamumuhunan, gayundin sa pagpapatibay ng regional supply chains sa loob ng ASEAN.

Tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang final report ng EDCOM na naglalaman ng mga suliranin at rekomendasyon sa reporma sa edukasyon.
Kasabay nito, inilunsad ang National Education and Workforce Development Plan 2026–2035 na magsisilbing gabay sa mga polisiya, batas, at pondo sa susunod na dekada.