Back

UNTV News and Rescue

3:37
Crime & Investigation

UNTV News and Rescue, tumulong sa pasyenteng may severe gout at sa menor de edad matapos maaksidente

February 4, 2026 9:38 PM
PST

Tinulungan ng UNTV News and Rescue ang isang 54-anyos na lalaki na hirap makalakad dahil sa matinding gout na makapagpa-check-up sa ospital.Samantala, sumaklolo din ang team sa isang menor de edad na nasangkot sa aksidente sa motorsiklo.

1:54
Lifestyle

Spain, planong magpatupad ng social media ban sa mga menor de edad na wala pang 16 taong gulang

February 5, 2026 7:00 AM
PST

Nais ng pamahalaan ng Spain na ipagbawal ang paggamit ng social media ng mga batang 15 taong gulang pababa upang maprotektahan sila laban sa mapaminsalang content online.

Ayon kay Prime Minister Pedro Sánchez, oobligahin ang mga digital platform na magpatupad ng mahigpit at epektibong age verification systems.

1:18
Health & Lifestyle

South Korea, naka-report na ng 6 na kaso ng African swine fever; nationwide containment, pinaigting

February 4, 2026 9:02 PM
PST

Kinumpirma ng South Korea ang ika-anim na kaso ng African swine fever ngayong taon matapos matuklasan ang virus sa isang pig farm na may humigit-kumulang 3,000 baboy.

Ayon sa Ministry of Agriculture, Food and Rural Affairs, agad ipinatupad ang culling ng mga apektadong hayop at inilabas ang standstill order sa lahat ng pig farms at kaugnay na pasilidad sa lugar upang pigilan ang pagkalat ng sakit.

3:04
Politics

Partial shutdown ng US government, opisyal nang nagtapos

February 5, 2026 4:53 AM
PST

Muling nagbukas ang operasyon ng pamahalaan ng Estados Unidos matapos lagdaan ni Pangulong Donald Trump ang $1.2 trillion spending bill, na nagwakas sa apat na araw na partial government shutdown.

Ngunit nananatiling mainit ang usapin sa pagpopondo para sa immigration enforcement, na maaaring magdulot ng panibagong bangayan sa Kongreso.

4:17
Politics

Good governance, solusyon sa pagtaas ng inflation ayon sa economic analyst

February 4, 2026 8:58 PM
PST

May epekto sa pagtaas ng inflation ang mga kinakaharap na isyu sa bansa tulad ng korapsyon at ingay sa politika.

Naniniwala ang mga eksperto na maaaring tugunan ito ng pamahalaan sa pamamagitan ng mahusay at transparent na pamamalakad.