.png)
Tinutulan ni Sandiganbayan Associate Justice Gener Gito ang desisyon ng kanyang mga kapwa mahistrado na alisin bilang akusado si dating Public Works Secretary Manuel Bonoan.
Samantala, sinabi ng Malacañang na hindi makikialam ang Palasyo sa desisyon ng Sandiganbayan.
.png)
Nagkasagutan ang mga abogado ng prosecution at defense nang ilang beses sa ika-21 araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Kasabay nito, umupo sa witness stand si Atty. Michael Poa, isa sa mga defense counsel ng Pangalawang Pangulo sa impeachment trial.

-Defense counsel ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Michael Poa, iniharap bilang hostile witness ng prosekusyon
-Arrest warrant at Hold Departure Order laban kay dating DPWH Secretary Manuel Bonoan, binawi na ng Sandiganbayan
-Mga proposed budget ng Department of Energy at Energy Regulatory Commission para sa susunod na taon, dinidinig sa Kongreso

Pinag-iingat ng National Bureau of Investigation ang publiko na huwag basta magtiwala sa isang text message na nagpapadala ng link o humihingi ng mga sensitibong impormasyon upang maiwasang mabiktima ng financial fraud o scam.
Ginawa ng NBI ang babala kasunod ng pagkakaaresto sa isang Chinese national sa Imus, Cavite na nahulihan ng International Mobile Subscriber Identity (IMSI) catcher.

Nakarating na sa pamunuan ng North Luzon Expressway (NLEX) ang mungkahing gawing libre muna ang toll fee habang mayroon pang baha na dinaraanan ng mga motorista.
Sa ngayon, pinag-aaralan pa ito ng operator ng NLEX at wala pa silang desisyon.