Pinag-iingat ng National Bureau of Investigation ang publiko na huwag basta magtiwala sa isang text message na nagpapadala ng link o humihingi ng mga sensitibong impormasyon upang maiwasang mabiktima ng financial fraud o scam.
Ginawa ng NBI ang babala kasunod ng pagkakaaresto sa isang Chinese national sa Imus, Cavite na nahulihan ng International Mobile Subscriber Identity (IMSI) catcher.





















