Sinagot ng Malacañang ang pahayag ni Atty. Nicholas Kaufman, lead counsel ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court, kaugnay ng umano’y nagpapatuloy na extrajudicial killings sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.Ayon sa Palasyo, kung may ebidensya ay dapat itong imbestigahan, ngunit iginiit na hindi kailanman ninanais ni Pangulong Marcos ang madugong kampanya laban sa iligal na droga.






















