
Patay ang apat na sibilyan matapos tamaan umano ng shrapnel mula sa US missile ang isang bahay na pinagdarausan ng kasal sa southern Iran.
Nagbanta naman ang Tehran ng mas matinding pagganti laban sa tinawag nitong “illegal war” ng United States.

Tinalakay kahapon sa House Committee on Appropriations ang panukalang pondo ng Office of the Vice President.
Ang hinihinging budget ng tanggapan ni VP Sara ay wala pang 1% ng ₱7.2 trilyong proposed national budget.

Kailangang pagsabayin ng mga senador ang impeachment trial, budget deliberations, at iba pa nilang legislative duties, kaya pinag-aaralan na kung paano hahatiin sa isang linggo ang mga ito.

Sa Day 21 ng impeachment trial, naging kapansin-pansin ang paulit-ulit na sagutan ng prosekusyon at depensa, dahilan para humingi ng pang-unawa at pasensya ang presiding officer sa mga senator-judges at publiko.

Natagpuan at naiahon kagabi, September 2, ang SUV na sinasakyan ng limang indibidwal na nahulog sa ilog nang bumigay ang Agana Bridge sa Tarlac City noong Sabado, Agosto 29.