
Kumpyansa ang isa sa mga complainant ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte na uusad ang kanilang reklamo at diringgin sa Kamara.
Samantala, para naman sa isa sa mga complainant upang mapatalsik sa posisyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr, naniniwala itong hindi naging 'insufficient in substance' ang inihaing impeachment.

Pormal nang nanumpa at pumirma ang mga pumasa sa 2025 Bar Exams.
May mahigpit na paalala naman ang Supreme Court sa mahigit 5,000 mga bagong abogado kaugnay sa paggamit ng social media.

Nais umano ng Minority bloc sa Senado na makuha ang mahahalagang committee chairmanships kaya sinubukan umanong magkudeta at palitan ang liderato ng mataas na kapulungan ng Kongreso.
Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, isa pang posibleng dahilan nito ang nilalaman ng draft report ng Blue Ribbon Committee sa flood control scandal, kung saan may ilang senador na inirerekomendang kasuhan.

Bukas pa rin ang Kamara sa mga nais magsampa ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Ito ay kahit nai-refer na sa Office of the Speaker ang dalawang unang reklamo na inihain sa Bise Presidente noong February 2, 2026.

Tumangging magbigay ng pahayag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ukol sa inihaing impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay PBBM, ipaubaya na lamang ito sa Kamara na siyang didinig sa naturang reklamo.