Nais umano ng Minority bloc sa Senado na makuha ang mahahalagang committee chairmanships kaya sinubukan umanong magkudeta at palitan ang liderato ng mataas na kapulungan ng Kongreso.
Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, isa pang posibleng dahilan nito ang nilalaman ng draft report ng Blue Ribbon Committee sa flood control scandal, kung saan may ilang senador na inirerekomendang kasuhan.






















