
Apat ang nasawi matapos matabunan ng lupa ang isang pamilya sa Cagayan de Oro City bunsod ng pag-ulan dala ng Bagyong Basyang.
Ayon sa Office of the Civil Defense, naninirahan ang mga biktima malapit sa isang quarry area.

Patuloy na nagpapaulan ang Bagyong Basyang sa Visayas, Southern Luzon at ilang lugar sa Mindanao.
Inaasahan naman na hihina na ang Bagyong Basyang sa mga susunod na oras.

Palalakasin ng Department of Social Welfare and Development ang mga guidelines laban sa “anti-epal” o credit grabbing sa pamamahagi ng ayuda lao na ngayong may bagyo.
Samantala, tiniyak ng DSWD na handa itong magkaloob ng kinakailangang tulong at assistance sa mga nasalanta ng Bagyong Basyang.

Iniurong na ng pamilya ng pinaslang na si Police Senior Master Sergeant Diane Marie Mollenido ang kasong kriminal laban sa dating asawa nitong si Police Senior Master Sergeant John Mollenido.
Sa inilabas na pahayag ngayong Biyernes ng National Police Commission, bagaman binawi na ng mga kaanak ng biktima ang reklamo, hindi ito makaaapekto sa administrative probe ng ahensya.

Nadagdagan pa ang mga suspek na hawak ngayon ng mga pulis kaugnay ng pagpatay kay Police Staff Sergeant Renato Casauay.
Ito ay matapos na maaresto ang mismong gunman habang sumuko naman ang dalawang iba pa.