
Pormal nang naghain ng urgent manifestation sa Korte Suprema si Sen. Bato dela Rosa para humiling ng Temporary Restraining Order o TRO na pipigil sa pagpapatupad ng umano'y warrant of arrest ng International Criminal Court o ICC laban sa kanya.

Walang nakitang ghost project sa apat na inispeksyong site sa Ilocos Norte si Independent Commission for Infrastructure o ICI Special Adviser Rodolfo Azurin Jr.
Kahapon, November 13, pinuntahan ni Azurin ang Ilocos Norte kasama ang ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways o DPWH.

Hindi naniniwala si Senator Imee Marcos na mayroong mga matataas na opisyal na makukulong bago matapos ang taon.
Kasunod ito ng garantiyang ibinigay sa publiko ng kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bago matapos ang taon ay mayroon nang makukulong kaugnay ng anomalya sa flood control projects.

May iba pang personalidad na papangalanan ang Independent Commission for Infrastructure o ICI na umano'y sangkot sa malawakang korupsyon na nangyari sa flood control projects.
Ayon kay ICI Chairperson Retired Justice Andres Reyes, kabilang sa mga ito ang ilan pang senador.

Naninindigan si House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio na hindi maaaring ma-abswelto si Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez sa maanomalyang flood control projects.
Ayon sa Makabayan lawmaker, bukod sa dating House leader, may pananagutan din umano sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating Senate President Francis Escudero.