Muling humarap kahapon sa Sandiganbayan si dating senador Ramon “Bong” Revilla Jr.kaugnay ng kasong may kinalaman sa umano’y ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.
Ayon sa kampo ni Revilla, bagama’t umuusad na ang mga pagdinig sa korte, naninindigan sila na may paglabag sa due process sa paghahain ng kaso laban sa dating mambabatas.






















