
Nasa Pilipinas pa ang wanted na negosyanteng si Atong Ang, ayon sa Department of Justice.
Ito ang naging kampanteng pahayag ni Justice Acting Secretary Fredderick Vida nang tanungin kung nasa bansa pa ang itinuturong mastermind sa pagkawala ng mga sabungero.

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 21 priority bills ng Legislative-Executive Development Advisory Council o LEDAC na isusulong ng administrasyon sa Hunyo 2026.
Kabilang sa mga panukalang inaprubahan ng pangulo ang pagtanggal ng travel tax, pagbuo ng independent people’s commission, at mga hakbang laban sa fake news at digital disinformation.

Inaasahang magpapatuloy ang pagtaas ng singil sa kuryente mula Pebrero hanggang Marso ayon sa Manila Electric Company o Meralco.
Dahil dito, panibagong dagdag-gastos ang haharapin ng mga consumer, lalo na sa mga pamilyang may mataas na konsumo ng kuryente, kasabay ng patuloy na pagtaas ng presyo ng iba pang pangunahing bilihin.

- Dismissal ng impeachment complaint vs PBBM, posible pang mabaligtad sa plenaryo ng Kamara
- 3rd impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte nai-refer na sa Office of the Speaker
- Sesyon sa Senado, ilang beses nasuspinde dahil sa debate sa resolution vs Chinese Embassy statements

Sugatan ang isang rider na nadatnan ng UNTV News and Rescue first responders na naipit sa pagitan ng motorsiklo at isang L-300 van bunsod ng isang aksidente.
Agad namang umaksyon ang mga responder upang magbigay ng paunang lunas sa biktima.